MANILA, Philippines - Tatlong baytang ang iniÂakyat ni Manny Pacquiao matapos ang unanimous decision panalo kay dating WBO welterweight champion Timothy Bradley.
Sa ipinalabas na bagong talaan ng Ringtv.com sa kaÂnilang pound-for-pound ratings, si Pacquiao ay nasa ikaapat na puwesto na mula sa dating kinalugaran na pangpitong puwesto noong nakaraang linggo.
Si Bradley na dati ay nasa number three, ay buÂmaba sa ikalimang puwesto at ang Pambansang kamao ngayon ay mas mataas na rin kay Mexican boxer Juan Manuel Marquez na nanatili sa ikaanim na puwesto.
Kasabay nito ay pinalitan na rin ni Pacman si Bradley bilang number one contender sa Ring rating sa welterweight division.
Nalagay sa ikalawang puwesto sa 147-pound division si Bradley habang nausog din si Marquez sa ikatlong puwesto.
Una pa rin sa listahan sa pound for pound si Floyd Mayweather Jr. habang si Andre Ward ang nanatili sa ikalawang puwesto.
Umangat ng isang puwesto si Vladimir Klitschko mula sa pang-apat noong nakaraang linggo.
Bumaba mula sa ikaliÂmang puwesto tungo sa ikapito si Sergio Martinez habang nanatili sa ikawalo hanggang sampung puwesto sina Guillermo Rigondeaux, Canelo Alvarez at Carl Froch.
Gamit ang bilis ng mga kamao at magandang footwork, dinomina ni Pacquiao si Bradley pagpasok ng 7th round upang maipaghiganti ang tinamong kontrobersyal na split decision pagkatalo noong 2012.
Inaasahang babalik ng ring si Pacquiao sa huling quarter pero hindi pa batid kung sino ang makakalaban nito.
Marami ang nagtutulak na si Mayweather na ang sagupain nito ngunit tiyak na hindi pa ito mangyayari sa taong 2014.
Si Marquez ang napipisil na makaharap sa ikalimang pagkakataon ni Pacquiao lalo na kung manalo ito kay Mike Alvarado na itinalaÂgang welterweight eliminator ng Top Rank.
Ngunit wala pa rin katiyakan ang bagay na ito dahil bukod sa mahusay na boksingero si Alvarado, nagpahayag uli ang beteranong si Marquez na wala siyang balak na harapin pa si Pacquiao upang maipreserba ang sixth round KO panalo noong 2012.