^

PSN Palaro

Puwesto sa National team nakataya sa Le Tour

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mabibigyan ng pagka­kataon na masama sa national team ang lalabas na pinakamahusay na Filipino rider sa 2014 Le Tour de Filipinas.

Ito ang inanunsyo ni PhilCycling president at Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” Tolentino para magsilbing dagdag-inspirasyon sa mga local riders na pumukpok kalaban ang mga dayuhang siklista.

“The Le Tour de Filipi­nas has always been a determinant on how strong our cyclists are because it is an international race participated in not only by the best cyclists in Asia but also potent riders from around the world,” ani Tolentino.

Ang bubuuing national team ay isasali sa Asian Games sa Seoul, Korea at magandang exposure ang Le Tour de Filipinas na binigyang-buhay ni PhilCycling chairman Bert Lina para mabigyan ang mga Filipino riders ng pagkakataon makasukatan ang mga mahuhusay na dayuhang siklista.

Dalawang local teams lamang, 7-Eleven Road Bike Philippines at Philippine Navy-Standard Insurance, ang magdadala ng laban ng host country kontra sa 13 dayuhang koponan. Sa bilang na ito ng bisitang koponan, 10 rito ay mga continental teams na bihasa sa malalaking cycling events na may basbas ng international body UCI.

Ang 2012 LTDF champion na si Jonifer “Baler” Ravina ang tatrangko sa 7-Eleven Road Bike kasama sina Mark Galedo, Cris Joven, Marcelo Felipe at Mark Julius Bordeos habang sina Santy Barnachea, Joel Calderon, Lloyd Lucien Reynante, Jorge Oconer at John Renee Mier ang magtutulung-tulong sa Navy-Standard.

Sa Lunes na lalarga ang karera at ang apat na araw na karera ay magsi­simula sa Clark, Pampanga at matatapos sa Burnham Park sa Baguio City. (AT)

ASIAN GAMES

BAGUIO CITY

BERT LINA

BURNHAM PARK

CRIS JOVEN

ELEVEN ROAD BIKE

ELEVEN ROAD BIKE PHILIPPINES

FILIPINAS

LE TOUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with