Clippers pasok sa playoffs
76ers nakaiwas maitala ang NBA record na 27 sunod na kabiguan
HOUSTON -- Tila miÂnalas ang Los Angeles ClipÂpers sa kaagahan ng kaÂnilang laro laban sa Houston Rockets.
Nagkaroon si All-Star Blake Griffin ng back spasms sa first quarter at nang magwala si Glen Davis sa second period ay tinamÂbaÂkan na ng Rockets ang Clippers ng 13 points.
Subalit imbes na manluÂmo ay naging determinado ang Clippers sa panguÂnguna ni guard Chris Paul paÂra talunin ang Rockets, 118-107.
Kumolekta si Paul ng 30 points at 12 assists at nagÂdagdag si Jamal Crawford ng 22 points para igiya sa Clippers ang franchise-record nitong ikatlong sunod na playoff appearance.
Humakot naman si center DeAndre Jordan ng 20 points, 12 rebounds at 6 blocks para sa Clippers.
Ikinatuwa ni head coach Doc Rivers ang pagbangon ng Los Angeles mula sa isang 13-point deficit sa seÂcond period.
‘’We’re here to win games and our guys are groÂwing up, they’re mature and it was great,’’ sabi ni RiÂvers.
Tinapos ng Clippers ang five-game winning streak ng Rockets, hindi nakuha ang serbisyo ni center Dwight HoÂward bunga ng injuriy.
Ibinaon ng Rockets ang Clippers sa 15 points sa first half bago nakabawi ang huli para agawin ang unahan sa third period.
Ang magkasunod na three-point shots nina Matt Barnes at Darren Collison ang nagbigay sa Clippers ng malaking 114-101 bentahe laban sa Rockets sa fourth quarter.
Tumapos si James HarÂden na may 32 points para sa Houston kasunod ang 28 ni Chandler Parsons.
Sa Philadelphia, naiwaÂsan ng 76ers na makapagtala ng record na 27 sunod na kamalasan matapos kuÂnin ang 123-98 home victory laban sa Detroit Pistons.
Naglista si Thaddeus Young ng 21 points, 6 rebounds at 3 assists para sa 76ers, bago ang panalo ay may 18 dikit na kabiguan sa Philadelphia at 26 sa kaÂbuuan.
Ang Cleveland Cavaliers ang nagposte ng NBA record na 26 sunod na kabiguan noong 2010-11.
Sa San Antonio, umiskor si Marco Belinelli ng 18 points at sinakyan ng Spurs ang isang 17-game winning streak nang kunin ang 96-80 panalo laban sa New Orleans Pelicans
- Latest