Smart, MVP Sports Foundation suportado ang 7th Prima Pasta Badminton tourney
MANILA, Philippines - Susuportahan ng wireless services leader na Smart Communications, Inc. (Smart) at ng MVP Sports Foundation ang 7th Prima Pasta Badminton Championships na magbibigay ng pagkakataon sa mga partisipante sa open division na maging bahagi ng nationwide ranking system.
Humigit-kumulang sa 1,500 players mula pa sa BaÂguio at Leyte ang inaasahang lalahok sa badminton tournament na idaraos sa unang dalawang linggo ng Marso sa PowerSmash Makati.
Bukod sa open division, ang iba pang kategorya ay ang men’s at women’s singles at doubles para sa age categories sa under-13 hanggang under-19.
Nasa larawan ang mga tournament players (nakasuot ng uniform) kasama sina Smart Sports MarkeÂting senior manager Christopher Quimpo, tournament director JC Benipayo, assistant organizing chair Yoly Araullo, at PowerSmash geÂneral manager Jerry Lee.
- Latest