MANILA, Philippines - Kabuuang P1 milyon ang napanalunan ni ReiÂmon Lapaza matapos pagÂharian ang katatapos lang na Ronda Pilipinas International 2014.
Ngunit dahil isang koponan silang sumali sa nasabing cycling event, higit-kumulang sa P300,000 na lamang ang kanyang maiuuwi para sa kanyang pamilya sa Butuan City.
“Pag-uusapan pa namin kung ano ang gagawin sa pera,†sabi ng 27-anyos na motorcycle mechanic at miyembro ng Cycleline-Butuan Mindanao kahapon sa PSA sports forum sa Shakey’s Manila.
Sa kabuuan, kumolekta ang tropa na ginagabayan ni Lito Patayan bilang team manager, ng P1.3 milyon sa nasabing 16-day cycling marathon na sumakop sa 1,700 kilometro.
“Hinati-hati namin ‘yung P1.3 million para sa ginastos ng buong team sa pagkain, sa pagsali sa Ronda Pilipinas,†wika ni Patayan.
Nakatakdang umuwi ngayong araw sina Lapaza at Patayan at ang buong tropa ng Cycleline-Butuan Mindanao sa Butuan City para sa isang hero’s welcome.