Martinez nakasabayan ang idol na si Chan sa Sochi
MANILA, Philippines - Bukod sa paglapag sa ika-19 puwesto, isa pa sa itaÂtangi ni Michael Christian Martinez sa ginawang pagÂsali sa Winter Olympics ay ang pagkakataong makaÂhaÂrap at makasabayan sa komÂpetisyon ang Canadian World champion na si Patrick Chan.
Isa si Chan sa mga iniÂidolo ng 17-anyos na si MarÂtinez at aminado siyang tiÂnututukan ang mga galaw gamit ang YouTube.
Pero nagkaroon siya ng pagÂkaÂkataong sabayan sa pagsasanay si Chan dahil paÂreho silang maagang duÂÂmating sa Sochi, Russia.
“I really liked him. He was really friendly and kind, surÂprisingly for a world chamÂpion,†wika ni Martinez sa panayam ng The CaÂnadian Press.
Tinuruan pa siya ng ilang galaw ni Chan na kanyang nagamit para mapaganda rin ang ipinakita sa dalawang araw na kompetisyon sa figure skating.
“It felt really great. I feel like a world champion because I’m skating with Patrick Chan,†pahayag pa ng tubong Muntinlupa City.
Hindi naman pinalad si Chan sa kompetisyon dahil nakontento siya sa pilak na medalya kasunod ng nagÂkampeon na si Yuzuru HanÂyu ng Japan.
Pinahanga ni Martinez, ang kauna-unahang FilipiÂno at South East Asian figure skater na nakasali sa Winter Games, ang mga nanoÂod dahil sa halos walang pagÂkakamaling routine, kabilang ang matagumpay na pagsasagawa sa triple alxe at loops.
Nabigyan si Martinez ng 64.81 puntos sa short program at 119.44 sa free stakes tungo sa 184.25 puntos para sa 19th puwesto sa 24 manlalaro na umabante sa medal round.
Nanguna naman si sportsman/businessman ManÂny V. Pangilinan sa pagÂkilala sa husay ni MarÂtiÂnez nang bigyan ito ng $10,000.00 (P450,000.00) biÂlang insentibo.
- Latest