MANILA, Philippines - Lumakas ang pag-asa ng Pilipinas ukol sa kampanya nito sa tinatawag na ‘favorable group’ matapos ang idinaos na drawing of lots para sa 2014 PLDT HOME Fibr Asian Men’s Volleyball Club ChamÂpionship (AMCC) noong Biyernes sa New World Hotel.
Nakaiwas ang Filipino spikers na kaagad makalaban ang mga Asian heavyweights sa pagkakabilang nila sa grupo ng Iraq, Kuwait at Mongolia sa Group A ng nasabing 18-team tournament na nakatakda sa Abril 8-16.
Ang Group B ay binuÂbuo ng mga regional poÂÂÂwerhouses na Iran at Japan bukod pa sa Lebanon at Vietnam habang nasa Group C ang 2013 runner-up Qatar, KazakhsÂtan, Oman, Hong Kong at Turmekistan.
Inaasahang magdodomina ang matatangkad na Chinese kontra sa UniÂted Arab Emirates, India, Papua New Guinea at Chinese Taipei sa Group D.
Ang magkakampeon ang makakakuha ng tiket para sa International Volleyball Federation World Club Championships sa Betim, Brazil sa Mayo.
Si Asian Volleyball Confederation (AVC) executive vice-president Shanrit Wongprasert ang nanguna sa drawing of lots kasama ang mga ambassadors at dignitaries ng United Arab Emirates, Lebanon, Kuwait at Iraq.
Nasa okasyon din sina AMCC organizing committee chairman Philip Ella Juico, Philippine Volleyball Federation president Karl Chan at PLDT vice president at head of HOME broadband Gary Duvali.
Kailangan ng mga Filipino spikers na makatapos sa fourth place para makasama sa delegasÂyong ilalahok sa 17th Asian Games sa Incheon, South Korea.