MANILA, Philippines - Suportado ni PSC chairÂman Ricardo Garcia ang naunang rekomenÂdasyon ni commissioner Jolly Gomez na alisan ng suweldo sina National coaches Joseph Sy at Rosalinda Hamero ng athleÂtics.
Nararapat ang aksyon matapos iulat ni Gomez na hindi nag-perform ang mga manlalarong hinawakan nina Sy at Hamero. May ulat pa na pineke ni Hamero ang data ng ilang hawak na atleta para masama sa Pambansang koponan at makapaglaro sa laban ng bansa.
“We are not removing them as National coaches in athletics. But we only removed them from the payroll of coaches being supported by PSC. If PATAFA believes they deserÂve to remain as National coaches, they can do so. But they will have to pay for their salaries,†wika ni Garcia.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng PSC dahil tinuran ni Garcia na may mga coaches na silang inalis matapos mapatunaÂyan na nagpabaya sa kanilang mga trabaho o may ginaÂwang mali sa mga atleta.
Si Gomez ang commissioner-in-charge sa athleÂtics at may mga basehan umano ang kanyang rekomendasyon.
Si Sy ay sinasabing mas madalas pa na nasa tanggapan ng PATAFA sa halip na sipatin ang NatioÂnal athletes.
Idinagdag pa ni Garcia na puwedeng umapela pa ang PATAFA sa nasabing desisyon pero aminado siyang malabo na mabago pa ang inilabas na desisyon sa dalawang coaches. (AT)