BACOLOD CITY, Philippines ---Isang bagong record ang naitala sa athletics, habang tatlong swimmers ang hinirang na double-gold medalists sa Batang Pinoy National Finals 2013 kahapon dito.
Lumundag ang 5-foot-8 na si Alexis Soqueno ng Negros ng 193 meters sa boy’s high jump para burahin ang dating 180m na ipinoste ni Resty Lorenzo ng Manila noong 2012 National Finals sa Iloilo.
“Masayang-masaya po ako at nanalo ako ng gold medal,†sambit ng 15-anyos na third year student sa Romanito Maravilla National High School na sasabak din sa 110m at 400m hurdles.
Sa swimming, kumoÂlekta sina Jenkins Labao ng Baguio City, Marc Audrey Santos ng Malolos City at Bela Louise Magtibay ng Lucena ng tig-dalaÂwang gold medals sa kani-kanilang events.
Nanalo si Labao sa boys’ 13-15 400m freestyle (4:34.87) at nakasama sa tropang naghari sa 15-U 200m meter relay (2:07.05) katuwang sina Dam Christian Leyba, Renz Gawidan at Neil Nazarro sa 15-U 200m meter relay (2:07.05).
Lumangoy ng ginto si Santos sa boys’ 11-12 400m free style (4:44.71) at sa 12-U 100m freestyle (1:03.08), habang nanalo si Magtibay sa girls’ 11-12 400m freestyle (5:07.99) at nakasama sa 15-U team na nagwagi sa 200m medley relay.
Limang ginto ang inangkin ng Quezon City mula kina Kirsten Chloe Daos sa girls’ 13-15 400m free style (4:49.90), Joshua Taleon sa boys’ 13-15 50m breaststroke (32.05), Raissa Regatt Gavino sa girls’ 13-15 50m breaststroke (35.69), Philip Joaquin Santos sa boys’ 11-12 200m butterfly (2:33.92) at Miguel Arellano sa boys’ 13-15 200m butterfly (2:18.64).
Bago ang mga ito, kinuha muna ni Reymark Quezada ng Baguio City ang unang ginto para sa mga batang may edad na 15-anyos pababa matapos mamuno sa boys’ 5,000-meter run sa kanyang oras na 17:10.7.
Tinalo ni Quezada para sa gold medal sina James Galima (17:20.7) ng Candon City at Ivan Miguel Santos (17:47.2) ng Cebu City.