Puwesto sa Phl team nakataya sa SMART CPJ taekwondo tourney sa Feb. 2

MANILA, Philippines - Mga taekwondo jins na hanap na mapasama sa 2014 National team ang magpapakitang-gilas sa Linggo sa SMART CPJ (Carlos Palanca Jr.) championships sa Ninoy Aquino Stadium.

Mangunguna sa mga sasali sa kyorugi (free sparring) ay sina Kirskie Elaine Alora at Kristopher Robert Uy.

Ang mga international at local medalists ang ma­kikipagsukatan sa tatlong di­bisyon na poomsae event sa torneong suporta­do ng Philippine Sports Commission, SMART Commu­ni-cations Inc., MVP Sports Foundation, PLDT, Meralco, TV5 at Milo.

Sinabi ni organizing committee chairman Sung Chon Hong na ang bubuuing Philippine team ay ilalaban sa 2014 Asian Taek­wondo Championships sa Tashkent, Uzbekistan, World Junior at World qualifying tournament ng Nanjing Youth Olympic Games sa New Taipei City, World Cadet Championships sa Baku, Azerbaijan at sa Asian Games sa Incheon, Korea.

Ang national poomsae team ay lalaban sa 2014 World Poomsae Cham­pionships sa Mexico.

Ang mga magulang na gustong i-enrol ang mga anak sa taekwondo ay iniimbitahan na saksihan ang kompetisyon na magsisimula sa alas-9 ng umaga.

Show comments