Reyes nangangamba sa Gilas sa plano ng PBA
MANILA, Philippines - Nangangamba si Gilas coach Chot Reyes sa magiÂging epekto ng plano ng PBA na paigsiin ang susunod na dalawang conference para mabigyan ng mahaba-habang panahon na makapagsanay ang mga National players.
Ang Gilas ay binubuo ng PBA players at dalawang maÂlalaking torneo ang kanilang sasalihan na FIBA World Cup sa Madrid, Spain at Asian Games sa Incheon, Korea.
Ang World Cup ay magsisimula sa Agosto 30 habang ang Asian Games ay sa Setyembre 19 magbubukas.
Kung paiigsiin ang susunod na dalawang confeÂrenÂce, tiyak na masasagad ang mga Gilas players dahil maÂbubugbog sila sa laro sa kanilang mother teams.
Mas gugustuhin sana ng beteranong coach na iurong na lamang ang Governor’s Cup hanggang matapos ang Asian Games ngunit tiyak na hindi papayag ang mga PBA team owners dahil limang buwan silang mababakante habang tuloy ang sahod ng kanilang manlalaro.
Sa orihinal na iskedyul ng PBA, ang second confeÂrence ay nakatakda mula Marso 7 hanggang Mayo 21 habang ang third conference ay mula Hunyo 1 hanggang Agosto 13.
Kung susundin ito, dalawang linggo na lamang makakapaghanda ang Gilas para sa World Cup na matatapos hanggang Setyembre 14.
Ang PBA Board of Governors ay magpupulong sa Enero 30 at imbitado si Reyes upang maiparating ang kanyang plano sa Pambansang koponan.
Sa Pebrero 1 ay tutulak si Reyes patungong Spain para dumalo sa draw sa Pebrero 3.(QHenson)
- Latest