^

PSN Palaro

POC-OCA magtutulungan sa agrikultura

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi lamang sa lara­ngan ng sports magtutulu­ngan ang Olympic Council of Asia (OCA) at Philippine Olympic Committee (POC).

Lumagda sina OCA pre­sident Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah ng Ku­wait at POC president Jose Cojuangco Jr. sa isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagtu­tulungan sa larangan ng agrikultura.

Kasabay nito ay ang pagkakatatag ng Kuwait-Philippines Peace and Development Foundation na siyang gagamitin para sa pagtulong sa ginagawang pagbangon ng mga naapektuhan ni Yolanda sa Tac­loban at Leyte.

“This is a project which the Sheikh and I have talked about and it’s about agriculture,” ani Cojuangco sa briefing na ginawa sa Hotel Sofitel.

Nauna ng nagpalabas ng US$10 milyon pondo ang Kuwait para sa pagba­ngon ng Tacloban at nangako rin si Sheikh na tutulong sa pagkumpuni sa mga pa­silidad sa sports na nasira ng bagyo nang nakaharap si Pangulong Benigno Aquino III noong Huwebes.

“We can help in the recovery by providing this good environment for the farmers. This is a very good opportunity for our people to show our friendship. For that I want to show my gratitude and my thanks,” pahayag ni Al-Sabah.

Ang OCA ay nagdaraos sa bansa ng dalawang araw na pagpupulong at kahapon ay nag-usap ang executive board ng OCA.

Ngayong umaga naman gaganapin ang OCA Ge­neral Assembly sa Philippine International Convention Center (PICC) at tampok na kaganapan ay ang presentasyon ng Incheon Korea na siyang host ng Asian Ga­mes sa Setyembre at ang kinatawan ng Rio de Ja­neiro Brazil na host ng 2016 Olympics. (AT)

ASIAN GA

HOTEL SOFITEL

INCHEON KOREA

JOSE COJUANGCO JR.

KUWAIT-PHILIPPINES PEACE AND DEVELOPMENT FOUNDATION

MEMORANDUM OF AGREEMENT

OLYMPIC COUNCIL OF ASIA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with