Barrios bibisita sa PSA ngayon

MANILA, Philippines - Bubuksan ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ang 2014 sa pamamagitan ng pagbisita ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive di­rector Sonny Barrios kasama ang mga opisyales ng Philippine team para sa Asean Paralympic Games sa Myanmar ngayong umaga sa Shakey’s Malate.

Inaasahang tatalakayin ni Barrios  ang mga plano ng SBP ngayong taon, kasama dito ang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa FIBA-World Cup sa Spain at sa Asian Games  sa Incheon, South Korea.

Ang sesyon ay isasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Shakey’s at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Si Mike Barredo, ang chairman ng Philippine Sports Association for the Differently-Abled (Philspada), ay sa­samahan naman ni executive director Dennis Esta para sa paglahok ng bansa sa Asean Paralympics sa Enero 14 sa Nay Pyi Taw.

 

Show comments