^

PSN Palaro

NCFP makikiusap sa PSC para kay So

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutulong ang pamunuan ng National Chess Fe­deration Philippines (NCFP) na kumbinsihin ang Philippine Sports Commission (PSC) na panatilihin ang Grandmaster na si Wesley So sa kanyang estado sa priority list athletes kahit hindi sumali sa 27th SEA Games sa Myanmar.

Mismong si NCFP pre­sident Prospero Pichay ang mangunguna sa pagkumbinsi kay PSC chairman Ricardo Garcia na hu­wag ibaba o alisin si So sa listahan matapos maipaliwanag ng mabuti ang kadahilanan kung bakit hindi nakalahok ito sa Myanmar.

Sa panayam kahapon kay NCFP executive director GM Jayson Gonzales, ibinulalas niya ang pagda­ting noong nakaraang buwan ng ama ni So na si William at nakausap niya hindi lamang si Pichay kundi pati si PSC chairman Garcia.

“Dumating ang ama ni Wesley noong  November 18 at  naipaliwanag niya na kaya hindi nakasali si Wesley sa SEA Games ay dahil may naunang balita na hindi  na magpapadala ang NCFP ng team dahil dumami nga ang mga events na pabor sa Myanmar. Kaya nagkaroon na siya ng ibang priorities at noong sinabi na magpapadala tayo ng team ay hindi na talaga siya puwede,” wika ni Gonzales.

Dahil wala ang number one player,  ang Pilipinas ay nag-uwi lamang ng dalawang pilak at dalawang bronze medals at mababa ito kumpara sa isang ginto bukod sa apat na pilak at tatlong bronze medals noong 2011 sa Indonesia.

May patakaran ang PSC na aalisin o made-demote ang kategorya ng isang atleta na hindi nanalo ng medalya sa Myanmar SEA Games kung ito ay ka­bilang sa priority athletes.

Bilang gold medalist ng 2011 Games, si So ay tumatanggap ng P40,000.00 buwanang allowances at may ganitong halaga rin para sa kanyang pagsasa­nay.

Nasa Canada ngayon si So at isang chess scholar ng Webster University of St. Louis at nasa ilalim ng pangangalaga ni Susan Polgar.

Hindi pa batid ang magiging hakbang ng PSC sa apela na ito lalo pa’t ang chess ay hindi lalaruin sa 2014 Incheon Korea Asian Games.

Ngunit ang Pilipinas ay maghahanda sa World Chess Olympiad sa Tromso, Norway at magiging mahalagang bahagi ng bubuuing koponan si So.

INCHEON KOREA ASIAN GAMES

JAYSON GONZALES

MYANMAR

NASA CANADA

NATIONAL CHESS FE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PILIPINAS

PROSPERO PICHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with