Panahon na para mag-pokus sa YOG, Asiad--Cojuangco
MANILA, Philippines - Isa nang kasaysayan ang 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.
Sinabi kahapon ni Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco na ito na ang panahon para tutukan ang mga malalaki at mabibigat na events sa susunod na taon.
Ayon kay Cojuangco, dapat na simulan ng mga athletes at officials ang paghahanda para sa Nanjing Youth Olympics sa Agosto 16 to 28 at ang Incheon Asian Games sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4, 2014.
Sa kabila ng pagtatapos ng bansa sa seventh-place finish sa Myanmar, kumpiyansa si Cojuangco na makakapagpakita ng maganda ang bansa sa nasabing dalawang international events sa 2014.
Ngunit marami pang traÂbaho ang dapat gawin.
“We really need to spend more money because we are not feeding our athletes right. If we want to be competitive we need to spend more on our athletes,†wika ni Cojuangco.
Sa pagsisimula ng taon ay inilunsad ng POC at ng PSC ang mga maÂkaÂbagong paraan ng pagpapakain at pagsasanay sa mga atleta.
Kumuha sila ng mga foÂreign experts para sa nutrition ng mga athletes pati na ang kanilang strength at conditioning.
Noong 2010 Asian GaÂmes sa Guangzhou, nag-uwi ang bansa ng 3 gold medals mula kina bowler Biboy Rivera, boxer Rey Saludar at billiards’ Dennis Orcollo.
Apat pang silver at siyam na bronze medals ang kinuha ng bansa para tumapos bilang pang-17 mula sa kabuuang 45 bansang lumahok.
Naglahok ang bansa ng 188 athletes sa 29 sports.
“We will focus on the strengthening of our athletes plus the right food. We cannot allow them to eat plain noodles,†sabi ni Cojuangco.
- Latest