MANILA, Philippines - Pahirap man ng pahirap ang labanan sa bilyar daÂhil sa pagdami ng mga mahuhusay na manlalaro, hindi pa rin nawawala ang mga Pinoy bilang isa sa daÂpat tiÂÂngalain sa nasabing sport sa mundo.
Pumaimbulog uli ang Pilipinas sa larangan ng World Cup of Pool nang magbunga ang ikalawang tambalan nina Dennis Orcollo at Lee Van Corteza sa kompetisÂyong ginawa sa York Hall sa London, England.
Pinataob ng Pinoy tandem at sixth seed lamang sa kompetisyon, ang pagtutulungan nina Neils Feijen at Nick Van den Berg ng kumÂpletuhin ang pagbaÂngon mula one-racks down (8-7) tungo sa 10-8 panalo sa race-to-10 Finals.
Para makapasok sa Finals, dinaig nina Orcollo-Corteza sina Karlo Dalmatin at Ivica Putnik ng Croatia, 7-4; Aloysius Yapp at Chan Keng Kwang ng Singapore, 7-3; Mikos Balazs at Gabor Solymosi ng Hungary, 9-1; at Chang Jung-lin at Ko Pin Yi ng Chinese Taipei, 9-7.
Ang panalo ang pumawi sa first round na pagkakasibak noong 2011 na ginawa sa Manila para paghatian nina Orcollo at Corteza ang $60,000.00 unang gantimpala.
Ito rin ang ikatlong WCP title ng bansa matapos paÂngunahan ang 2006 at 2009 edisyon na dinomina nina Efren “Bata†Reyes at Francisco “Django†Bustamante.
Ang WCP title ang nagÂlagay din ng kinang sa maÂgandang ipinakita nina Orcollo at Corteza sa taon na sinabayan din ng pagsikat uli ni Bustamante.
Ito ang ikalawang major title ni Corteza sa taon matapos pangunahan ang China Open na noong nakaraang taon ay pinagharian ni OrÂcolÂlo.
Kampeon din ang 34-anyos tubong Davao CiÂty sa Southern Classic 9-ball Division na kung saan ang kanyang dinaig ay si Orcollo.
Sa kabilang banda, si Orcollo ay umani ng pitong panalo sa taon at kasama na rito ang dominasyon sa Derby City Classic 10-ball Challenge.
Tinuldukan ni Orcollo ang pagiging mahusay sa 10-ball matapos koronahan bilang kampeon sa 10-ball sa 27th South East Asian Games sa Myanmar nang daigin ang kababayang si Carlo Biado, 9-7, sa gold medal match
Dinala rin ng 34-anyos tubong Bislig, Surigao del Sur, ang Pilipinas sa World Games sa Cali, Colombia at tumapos siya bitbit ang bronze medals kasunod niÂna Darren Appleton ng Great Britain at Chang Jung-lin ng Chinese Taipei na tumapos sa unang dalawang puwesto.
Lahat ng magandang nangyari sa bilyar sa taong 2013 ay nagsimula sa kamay ni Bustamante matapos kumulekta ng dalawang panalo sa buwan ng Enero.
Ang 50-anyos tubong Tarlak ang nagdomina sa Derby City Master of the Table bukod sa Derby City 9-ball Banks at sa kabuuan ay kumulekta ng walong panalo para sa pinakaproduktibong paglalaro sa bilyar sa huling tatlong taon.
Si Rubilen Amit naman ang nagdala sa women’s bilÂliards nang balikatin niya ang laban sa World WoÂmen’s 10-ball at sa 27th SEA Games.
Tinalo ni Amit si Kelly FiÂsher ng England sa Finals ng World 10-ball, habang si Angeline Magdalena ng Indonesia, 7-2, ang hiniya niya para sa SEAG title.