MANILA, Philippines - Nagtapos si Filipino Rico Salimbagat sa fourth place sa bigating FIDE-sanctioned na Grandmaster-laden blitz tournament sa New York.
Naglaro sa nasabing nine-round tournament na may mahinang FIDE rating na 2265, ginulat ni Salimbagat, isang tubong Tanauan, Batangas at naÂkabase ngayon sa Queens, New York, ang lahat matapos magtala ng 6.5 points sa likod ng limang panalo, tatlong draws at isang kabiguan.
Tinalo ni Salimbagat si Estonian Grandmaster Jaan Ehlvest, ang nagÂkamÂpeon sa torneo, sa sixth round at nakipag-draw kay Russians Igor Sorkin, sumegunda, kasunod si top seed GM Alexander Stripunsky, ang fifth placer.
Natalo lamang siya sa seventh round kontra kay Georgian GM Mikhail Kekelidze, tumapos sa ikatlo mula sa 7.0 points.
Sina Ehlvest, Sorkin, Stripunski at KeKelidze ay may mga FIDE ratings na 2657, 2538, 2696 at 2635, respectively, ayon sa pagkakasunod.
“I’m happy with my perÂformance because I defeaÂted Ehlvest and drew with Sorkin and Stripunski even though I was up by a pawn and I just drew it because I have a few time left,†sabi ni Salimbagat, nagtatrabaho bilang maintenance engineer sa Warwick International Hotel sa New York