NAY PYI TAW--Nagtala si Jessie King Lacuna ng isang bagong Philippine record sa men’s 100-meter butterfly event, ngunit di ito sapat at nagtapos lamang siya sa pang-lima sa 27th SEA Games swimming competitions noong Sabado ng gabi dito sa Wunna Theikdi pool.
Naglista si Lacuna, ipagdiriwang ang kanyang ika-20 kaarawan sa Disyembre 23, ng oras na 55.08 segundo sa finals para burahin ang lumang national record na 55.15 na itinala ni James Walsh noong 2007.
Nagtapos ang Pulilan, Bulacan native sa likod nina Joseph Isaac Schooling ng Singapore, nagposte ng bagong SEAG record na 53.67, Fauzi Triady (53.14) at Glenn Victor Sutanto (53.93) ng Indonesia para sa gold, silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod.
Inangkin naman ni Jasmine Alkhaldi, third placer sa women’s 100m freestyle, ang kanyang ikalawang bronze medal matapos pumangatlo sa 100m butterfly.
Nagsumite siya ng bilis na 1:01.76 sa ilalim nina gold medal winner Tao Li (59.87) at silver medalist Ting Wen Quah (1:00.34) ng Singapore.