Petecio lalaban sa gold medal NAYPYITAW
NAYPYITAW -- Umabante si featherweight Nesthy Petecio sa gold medal round matapos umiskor ng 40-36 panalo kontra kay Tassamalee Tsongjan ng Thailand sa kanilang woÂmen’s semifinal match sa 27th Southeast Asian Games kahapon dito sa Wanna Theikdi Stadium.
Niresbakan ni Petecio si Tsongjan na tumalo sa kanya sa Asian Indoor Games sa Vietnam noong 2010.
Makakatapat ni Petecio para sa gold medal si Nwe Ni Oo ng Myanmar sa HuÂwebes.
Nauna nang nakatiyak ang Pilipinas ng pitong bronze medal matapos maÂÂkakuha ng bye ang lima sa 10 local pugs sa boxing comÂpetition.
Ang mga nakakuha ng bye patungo sa semifinals ng kani-kanilang mga weight divisions ay sina flyÂÂweight Rey Saludar, banÂÂtamweight Mario FerÂnanÂdez at middleweight WilfÂredo Lopez sa men’s diÂvision at sina flyweight MaÂÂricris Igam at bantamweight Irish Magno.
Awtomatikong nakapaÂsok sa semis sina light flyÂweight Josie Gabuco at PeÂtecio dahil sa kakulaÂngan ng entries.
Itinala ni 2011 Palembang SEA Games gold meÂÂdalist Dennis Galvan ang kanyang unang panalo maÂÂtapos igupo si Ratha Svay ng Cambodia.
- Latest