Arum ibabangon ang estado ni Pacquiao sa takilya
MANILA, Philippines - Sa kanyang mga naunang laban ay pumapalo sa average na 700,000 ang pay-per-view buys ni Manny Pacquiao.
Ngunit sa kanyang pagrapido kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios noong Nobyembre 24 sa Macau, China matapos ang dalawang sunod na kabiguan noong nakaraang taon ay halos nasa 475,000 PPVs lamang ang nahakot nito katumbas ang kitang $30 milyon.
“We knew there were challenges and tempered our expectations from the beginning,†sabi ni Mark Taffet, ang presidente ng PPV para sa HBO.
“It was an extraordinary effort by everyone involved, and we recognized that anything above 350,000 buys would be a success.â€
Kumpiyansa naman si Arum na aabot sa 500,000 ang PPV buys ng laban nina Pacquiao at Rios habang hindi pa naipapasok ang lahat ng numero.
“There was a little delay because of Thanksgiving, but it will be somewhere in the area of 500,000 buys,†wika ng promoter.
Mataas ang PPV buys ni Pacquiao sa Las Vegas, Nevada sa nakaraang 12 taon kung saan niya nakasagupa sina Oscar Dela Hoya (1.25 milyon), Miguel Cotto (1.25 milyon), Ricky Hatton (900,000), Shane Mosley (1.340 milyon), Timothy Bradley, Jr. (700,000) at Juan Manuel Marquez (1.4 milyon sa ikatlo nilang pagkikita at 1.15 milyon sa ikaapat nilang banggan).
Sa Dallas noong 2010 ay nagposte si Pacquiao ng PPV buys na 1.150 milyon nang bugbugin niya si Antonio Margarito at 700,000 naman matapos talunin si Joshua Clottey.
Wala namang binatbat ang Pacquiao-Rios’ PPV performance sa laban ni Floyd Mayweather, Jr. kay Saul Alvarez noong Setyembre na umabot sa 2.2 milyon sa PPV buys.
Kaya naman itinakda ni Arum ang susunod na laban ni Pacquiao sa Las Vegas sa Abril para makabawi sa PPV buys.
- Latest