^

PSN Palaro

2-peat sa NCR athletes

Joey Villar - Pilipino Star Ngayon

CEBU City , Philippines  --Mula sa mga panalo ng kanilang mga tankers at tracksters, napanatiling suot ng National Capital Region (NCR) ang kanilang overall title sa ikalawang sunod na pagkakataon sa 5th National Milo Little Olympics dito sa Cebu Coliseum.

Dinomina ng NCR ang secondary team mula sa kanilang 330 points at sumegunda naman ang kanilang elementary squad sa naitalang 285 points para sa grand total na 615 points.

Winalis ng NCR tan­kers ang swimming events sa ipinosteng 120 points sa kabila ng sinasabi ni delegation head Dr. Robert Milton Calo na mga “se­cond stringers” dahil ang kanilang mga top bets ay hindi pinapayagang sumali sa mga events kasabay ng UAAP season.

Maliban sa swimming, nanguna din ang elementary athletes ng NCR sa athletics boys, gymnastics WAG, scrabble mixed, tennis boys at volleyball boys.

Bumandera naman ang secondary players ng NCR sa athletics sa girls at boys division.

Ang iba pang events na pinangunahan ng NCR secondary teams ay ang badminton boys, chess girls, football boys, gymnastics MAG, gymnastics RSG, sepak takraw at volleyball girls.

Nabigo naman ang Team Visayas na makuha ang overall trophy matapos maglista ng 609 points.

Sa kabila nito, dinomina pa rin ng Visayas ang ele­mentary division sa 309.

BOYS

BUMANDERA

CEBU COLISEUM

DINOMINA

DR. ROBERT MILTON CALO

MALIBAN

NATIONAL CAPITAL REGION

NATIONAL MILO LITTLE OLYMPICS

TEAM VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with