Hero’s welcome sumalubong kay Manny sa GenSan
MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, isang hero’s welcome ang isinalubong kay Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ng kanyang mga kababayan sa kanyang pag-uwi sa General Santos City kahapon.
Isang motorcade ang ibinigay din kay Pacquiao bago siya dumiretso sa SarÂangani.
Pinapanalisa na ng 34-anyos na Sarangani Congressman ang kanyang pagbisita sa Tacloban para damayan ang mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’.
Sinabi ni Pacquiao na ihahanda muna nila ang pagbabalot ng relief goods bago magtungo sa Tacloban at iba pang lugar na sinagasaan ng bagyo.
“Pina-finalize na lang namin ‘yung date o kung anong araw kami pupunta kasi magre-repack pa kami ng mga relief goods kagaya ng sardinas, bigas at iba pa,†wika ni Pacquiao sa panayam ng Unang Hirit sa GMA Channel 7.
Nanggaling si Pacquiao sa dominanteng panalo laban kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios noong Linggo sa Macau, China kung saan pinasaya niya ang kanyang mga kababayang nasalanta ng bagyo.
Sa Abril o Mayo pa muÂling lalaban si Pacquiao, nanggaling sa kabiguan kina Timothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Marquez noong Hunyo 9 at DisÂyemÂbre 8, 2012, ayon sa pagÂkakasunod.
Sinabi ni Pacquiao na nais niya na muling lumaban sa Las Vegas at ipinauubaya na niya kay Top Rank promoter Bob Arum kung sino ang susunod niyang makakalaban.
- Latest