^

PSN Palaro

HD Spikers, Lady Troopers nagpasolido

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Miyerkules

(Ynares Arena)

2 p.m. Cagayan vs Cignal (W)

4 p.m. PLDT vs Petron (W)

6 p.m. PLDTMyDSL vs Maybank (M)

 

 

MANILA, Philippines - Nakitaan ng mas ma­gandang komunikasyon ang Cignal sa kanyang mga players para maiuwi ang 25-14, 25-11, 25-8, straight sets panalo sa bagitong RC Cola sa pag­papatuloy kahapon ng Phi­lippine SuperLiga volleyball Grand Prix sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagkakaintindihan na ang mga locals at ang dalawang Chinese imports na sina Xie Lei at Li Zhangzhan upang mas ma­ging suwabe ang takbo ng opensa at depensa para umangat ang HD Spi­kers sa ikalawang sunod na panalo matapos ang tatlong laro.

Lumabas uli ang tikas din ng paglalaro ng nagde­depensang kampeon TMS-Philippine Army tungo sa 25-23, 25-14, 25-18, pananaig sa Petron sa ikalawang laro.

Si Jovelyn Gonzaga ay may 9 kills tungo sa 11 puntos para suportahan ang 12 hits ni Swanitchaya Luangtonglang at ang Lady Troopers ay nakabangon agad mula sa pagkatalo sa PLDT MyDSL sa hu­ling laro.

Ikatlong sunod na kabiguan ito para sa  Petron na kumuha lamang ng walong puntos sa Japanese import na si Shinako Tanaka.

Si Chie Saet ang na­ngu­na sa nanalong kopo­nan sa kanyang 12 hits habang sina Xie at Li  ay nagsanib sa 18 puntos. May walong hits pa si Rapril Aguilar para sa balanseng pag-atake ng Cignal sa larong tumagal lamang ng 58 minuto.

 Nalaglag naman ang Raiders sa ikatlong sunod na pagkatalo  at tila sila isang nauupos na kandila dahil sa mababang pro­duksyon sa laban.

 

CIGNAL

GRAND PRIX

LADY TROOPERS

LI ZHANGZHAN

PASIG CITY

PETRON

PHILIPPINE ARMY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with