Pacquiao ‘di dapat magkumpiyansa - Garcia
MANILA, Philippines - Bagamat pareho silang hindi umuurong sa laban ay magkaiba naman sina Antonio Margarito at Brandon ‘Bam Bam’ Rios.
Ito ang pagkukumpara ni Mexican chief trainer Robert Garcia sa dalawa niyang boksingero kasabay ng pagbibigay ng babala kay Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.
“It’s a totally different fight,†wika ni Garcia sa paÂnayam ng BoxingScene.com. “Brandon almost 10 year’s younger than MargaÂrito, big difference.â€
Noong Nobyembre 13, 2010 ay binugbog ng 5-foot-6 na si Pacquiao ang 5’11 na si Margarito, sinasabing kaÂsing taas ni Rios, via unanimous decision para angkinin ang bakanteng World Boxing Council (WBC) light middleweight crown.
Ang nasabing titulo ang naging pang-walo ng Sarangani Congressman sa walong magkakaibang weight divisions.
Sinabi ni Garcia na lubhang nakaapekto kay Margarito ang pagharap kay Pacquiao sa catchweight na 151 pounds.
Aakyat naman ang 27-anyos na si Rios sa 147 pounds (welterweight) mula sa pagkampanya sa 140-pound division (light welterweight) para labanan ang 34-anyos na si Pacquiao sa Nov. 24 sa The Venetian sa Macau, China.
“They fought Margarito at catch weight which hurt Margarito,†ani Garcia. “Brandon has the advantage in this weight. He’s gonna be comfortable at 147.â€
Si Rios ay ang dating World Boxing Organization (WBO) light welterweight titlist bago ito inagaw ni Mike Alvarado noong Marso nitong taon.
- Latest