Hope, DLS-Zobel pag-aagawan ang liderato sa Shakey’s GVL
MANILA, Philippines - Magtutuos ngayon ang nagdedepensang Hope Christian College at La Salle Zobel sa Pool A habang ang UST ay makakasukatan ang MGC New Life Christian Academy sa Pool B sa pagbabalik ng laro sa Shakey’s Girls Volleyball Season 11 sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang Hope ay galing sa 25-8, 25-21, panalo sa Jubilee Christian Academy para kunin ang ikalawang sunod na panalo.
Tinapatan ng La Salle Zobel ang karta ng makakaÂÂlaban nang manaig sa Miriam College, 25-10, 25-19, upang matiyak na magiging mainitan ang bakbakan sa ligang suportado ng Shakey’s.
Ang laban ay itinakda dakong alas-3 ng hapon matapos ang pagkikita ng UST at MGC New Life Christian Academy.
Ang Kings’ Montessori School at Jubilee ay magtutuos dakong alas-4 ng hapon habang ang National University ay makikipagsukatan sa St. Scholastica’s College dakong alas-5 ng hapon.
Ang mananalo sa Hope Christian at La Salle-Zobel ay halos abot na ang isa sa dalawang puwesto sa Pool A na aabante sa crossover semifinals sa Nobyembre 10.
Ang mananalo sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Asics, Tune Hotel, Burllington, BioFresh, Food Health and Science Magazine ay siyang uusad sa Tournament-of-Champions kasama ang pitong iba pang regional champions.
Patitingkarin ang kompetisyon sa T-of-C na gagawin sa Enero 13 hanggang 17 sa NAS ng pagsali ng Australia at New Zealand.
Ang mga nakatiyak na ng puwesto sa T-of-C ay ang University of San Jose-Recoletos, Central PhiÂlippines University, Leyte National High School at Angeles University Foundation.
Samantala ang iba pang regional eliminations ay gagawin sa Nobyembre 14-17 sa Davao para sa Mindanao, Nobyembre 21-24 sa Baguio para sa Northern Luzon at Nobyembre 27-30 sa Imus City, Cavite para sa Southern Luzon.
- Latest