Kung mayroon mang isang tao sa ngayon ang maÂbigat ang babalikatin, ito ay ang bagong chairman ng Philippine Basketball Association na si Ramon SeÂgismundo ng Meralco.
Mataas ang inaasahan kay Segismundo. Sa kaÂnilang taunang planning na isinagawa sa Sydney, Australia inaasahan nating babalangkasin ng Board kung paano pa palalakasin ang kampanya ng PBA.
Noong nakaraang mga taon, ay kinakitaan muli ng sigÂla ang PBA sa tulong na rin at pagpupunyagi ng iba pang miyembro ng board at ni PBA commissioÂner Chito Salud
Bukod sa pagpapataas pa ng rating sa telebisyon, kinakailangan din ng PBA na pagtuunan kung paano pataasin ang gate sales. Alam naman natin na noong mga nakaraang taon ay bumagsak ang sales at maÂging ang rating ng PBA.
Pero unti-unti ay nakakabawi na ang liga. Muli ay nararamdaman nito ang taguring tagapagbigay ng pinakamataas na sports entertainment sa bansa.
Sa ilalim ni outgoing chairman Robert Non ng BaÂrangay Ginebra, maganda ang naging resulta ng gate reciepts ng PBA. Marami kasing inobasyon na sinimulan si Non at si Salud na talaga namang swak na swak sa PBA fans.
May tema na nga na ipapangalandakan ang PBA, ito ay ang One PBA, One Philippines. Ibig sabihin lamang ay naghahangad ang PBA na pagsamahin ang lakas ng PBA, Gilas Pilipinas at SBP papunta sa Barcelona at Seoul sa 2014
Sa pagkakakaalam natin mahusay si Segismundo sa ‘pakikitungo’ at ‘pagtimpla’ ng mga tao. Ibig sabihin magaling siya sa human resources. Alam niya kung paano pagsasamahin at paghahaluin ang skills ng baÂwat isa sa PBA operations.
Nangako na nga ito na sisikapin na masustina ang mga tagumpay ng PBA pagdating sa gate attendance at fans satisfaction.
Mas marami ring inobasyon ang inaasahan natin kay Segismundo, kasama na rito ang pagsasagawa ng mga laro sa Manila, Cebu at Davao sa opening day.
Ngayon pa lamang ay excited na akong makita kung ano pa ang gagawin ni Segismundo, hindi lamang sa PBA, kundi sa basketball.