Cagayan tinunaw ang Zambales

Laro Bukas

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

12 p.m. Zambales M-Builders vs Wang’s Basketball

2p.m.  Arellano U

vs Hog’s Breath Café

4p.m.  Cebuana Lhuillier

vs Café France

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Caga­yan Valley ang tikas sa endgame nina Mark Bringas at Kenneth Ighalo para kunin ang ikalawang sunod na panalo sa 91-87 iskor laban sa Zambales M-Builders sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Arellano gym.

Sa puntong tila mauuwi sa unang overtime ng liga ang laro matapos isalpak ni Roger Pogoy ang panablang tres (57-all) sa huling 5.9 segundo,  pero nailusot nina Bringas at Ighalo ang apat na krusyal  na puntos para ipalasap sa M-Builders ang unang pagkatalo sa dalawang laro.

Nalibre si Bringas tungo sa corner jumper para basagin ang tablang iskor bago hiniritan ng depensa ng error ang M-Builders sa kanilang pag-atake.

Si Ighalo ay nilapatan ng foul at tumugon ito sa dalawang free throws para selyuhan ang tagumpay.

Naipakita naman ni Fil-Italian point guard Chris Banchero ang kalidad ng paglalaro nang gabayan ang Boracay Rum sa  86-59 paglampaso sa Derulo Accelero habang dinurog din ng sophomore team na Jumbo Plastic ang National University-Banco de Oro, 76-56, sa iba pang laro.

May 15 puntos, 6 rebounds at 4 assists ang MVP ng  ASEAN Basketball  League na si Banchero sa bagong koponan na gumamit ng 31-16 palitan sa ikatlong yugto at iwanan ang Derulo Accelero na nalaglag sa 0-2 baraha. (AT)

Show comments