^

PSN Palaro

Cagayan kampeon sa PLDT-ABAP slugfest; Borres pinahanga ang ABAP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang boksingero ng Cagayan de Oro Team A ang nanalo sa kanilang mga laban para hiranging kampeon ng 2013 PLDT-ABAP Mindanao Boxing Tournament na natapos kamakalawa sa Tourism Hall ng Cagayan de Oro City.

Nanguna sa delegas­y­on sa Jeronel  Borres na hi­niritan ng unanimous pa­nalo si Renemark Cuarto ng PACMAN, Sarangani Province.

Dalawang beses hiniritang ng 17-anyos na si Borres ng dalawang stan­ding eight si Cuarto para katampukan ang panalo sa Youth Boys pinweight.

Si Borres ay isa sa hinangaan noong nakaraang National Finals habang nasa Junior Boys.

“Masaya po dahil unang gold ko ito sa division. Maglalaro pa po ako sa National Finals at kung manalo ako ay papasok na ako sa ABAP pool,”  ani Borres.

Ang iba pang nanalo sa CDO-A ay sina Carlo Paalam sa Junior Boys pinweight, Marin Tabamo sa Youth flyweight, Markwil Salvania sa Youth lightweight at Shena Mae Jacinto sa Junior Girls light flyweight.

Ang pangalawang ko­ponan ng CDO-B ang pu­mangalawa sa dalawang ginto, dalawang pilak at isang bronze habang ang PACMAN ang pumangatlo sa dalawang ginto at tig-isang pilak at bronze me­dals.

 Lahat ng 14 sumaling koponan ay nag-uwi ng medalya para mapatunayan muli na ma­ganda ang programa sa boxing sa Mindanao.

vuukle comment

BORRES

CARLO PAALAM

JUNIOR BOYS

JUNIOR GIRLS

MARIN TABAMO

MARKWIL SALVANIA

MINDANAO BOXING TOURNAMENT

NATIONAL FINALS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with