CEBU, Philippines - Matagumpay na naidepensa ni Johnriel Casimero ang kanyang hawak na International Boxing Federation (IBF) light flyweight title matapos talunin si Mexican challenger Felipe Salguero kagabi sa Makati Coliseum.
Umiskor si Casimero ng 11th-round TKO (Technical Knockout) win kontra kay Salguero para patuloy na isuot ang IBF crown sa ikatlong sunod na pagkakaÂtaon.
Itinaas ni Casimero ang kanyang win-loss-draw ring record 19-2-0 kasama ang 10 knockouts kumpara sa 18-5-1 (13 KOs) ng 31-anyos na si Salguero.
Sa round seven ay naÂpaÂdugo na ni Casimero ang kanang kilay at kaliwang mata ni Salguero hanggang tuluyan nang bumagsak ang Mexican sa round nine mula sa isang uppercut ng Filipino pride.
Muling pinatumba ni Casimero si Salguero sa round eleven kasunod ang pagpapatigil ng referee sa laban.
Ang unang dalawang title defense ng 23-anyos na tubong Ormoc City, Leyte na si Casimero ay ginawa sa Panama at Mexico.
Nagtala si Casimero ng isang 12-round split decision victory laban kay Pedro Guevara sa Mexico noong Agosto ng 2012 at umiskor ng unanimous decision win kontra kay Luis Alberto Rios sa Panama noong Marso 16 nitong taon.
Si Casimero ang isa sa tatlong Filipino world champion sa kasalukuyan bukod kina light flyweight Donnie Nietes (World Boxing Organization) at minimumweight Merlito Sabillo (World BoÂxing Organization).
Binigo ni Nietes si Salguero via unanimous decision noongHunyo 2, 2012 sa Resorts World Hotel and Casino sa Pasay City.