^

PSN Palaro

Cabrera nagka-problema sa visa Villanueva si Martinez na ang makakalaban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa problema sa visa, kailangang magpalit ng makakalaban si “King” Arthur Villanueva sa Pinoy Pride XXII sa Oktubre 26.

Sa halip na si Jose “Matador” Cabrera ang kanyang makakasukatan, si Edgar “Chololo” Martinez na ang katunggali ni Villanueva, ang WBO Asia-Pacific super flyweight title na magtatangka na kunin ang bakanteng WBO International super flyweight title.

Si Martinez ang dapat na kalaban noon ni Marlon Tapales pero hindi nangyari ito.

Sa pagkakataong ito ay maipapakita ng Mexican boxer ang taglay na husay sa ibabaw ng ring laban sa 24-anyos na si Villanueva na hindi pa natatalo matapos ang 23 laban kasama ang 13 KOs.

May ring record na 16 panalo (10KOs) at 7 talo  si Martinez pero papasok siya sa laba­nan bitbit ang anim na sunod na panalo, ang hu­ling lima ay sa pamamagitan ng knockouts.

Ang Pinoy Pride XXII na gagawin sa Cebu City Waterfront Hotel, ay katatampukan din ng pagdepensa ni Genesis “Azukal” Servania sa suot na WBO Asia-Pacific Super Bantamweight title laban kay Rafael “El Torito” Concepcion.

 

ANG PINOY PRIDE

ARTHUR VILLANUEVA

ASIA-PACIFIC SUPER BANTAMWEIGHT

CEBU CITY WATERFRONT HOTEL

EL TORITO

MARLON TAPALES

PINOY PRIDE

SI MARTINEZ

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with