^

PSN Palaro

Patalaan sa PBaRS magwawakas ngayon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magtatapos ngayon ang pagpaparehistro para sa eighth leg ng MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament kung saan inaasahang makakaabot ang mga bigating player bago ang deadline sa alas-5 ng hapon.

Sina Toby Gadi at Bianca Carlos ng Golden Shuttle Foundation ang babandera sa mga nagpalista bukod pa kina Paul Vivas, Peter Magnaye, Patrick Natividad, Joper Escueta at Charlo Tengco sa men’s side at sina Gelita Castilo, Janelle de Vera, Nikki Servando, Jen Cayetano, Dia Magno at Danica Bolos sa ladies division.

Ito ang titiyak ng magagandang laban sa nasabing week-long event, ang ta­nging ranking tournament na may basbas ng Philippine Badminton Association na pinamumunuan ni Vice President Jejomar Binay katuwang sina sportsman Manny V. Pangilinan bilang chairman at Rep. Albee Benitez bilang sec-gen.

Para sa detalye ay maaaring magpunta o tumawag sa PBaRS office sa 20 E. Maclang cor. P. Guevarra Sts., San Juan City sa 7252568 at 7828202.

Ang entry fee ay P500 para sa unang pagpapatala at P250 para sa susunod na pagpapalista.

Ang kumpletong lista­han ay ipoposte sa Oktubre 16 at ang draw  sa Oktubre 18 sa PBaRS office sa San Juan City, ayon kay PBaRS tournament director Nelson Asuncion.

Maaari ring magpatala sa online sa pbars.com. Para sa on-line registration, puwedeng magbayad sa pamamagitan ng China Bank (account) No. 120-0959413 sa ilalim ng Shuttle Foundation for Philippine Badminton, Inc.

 

ALBEE BENITEZ

BIANCA CARLOS

CHARLO TENGCO

CHINA BANK

DANICA BOLOS

DIA MAGNO

GELITA CASTILO

GOLDEN SHUTTLE FOUNDATION

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with