76th UAAP Finals pag-uusapan sa PSA

MANILA, Philippines - Dalawang malaking bas­ketball events at ang ba­gong season ng United Foot­ball League (UFL) ang pag-uusapan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Fo­rum sa Philippine Sports Com­mission (PSC) Athletes’ Lounge ngayong uma­ga.

Isasalang ang mainit na UAAP men’s basketball Finals sa pagitan ng Uni­versity of Santo Tomas at De La Salle University.

Dadalo rin ang Philippine U-16 team na tuma­pos na runner-up sa FIBA-Asia U16 Championship sa public sports program na isi­nasaere sa DZSR Sports Ra­dio 918 at inihahandog ng Shakey’s at ng Philippine Amusements and Ga­ming Corporation.

Tatalakayin nina Green Archers’ coach Juno Sau­ler at Tigers mentor Pido Ja­rencio ang Game 3 sa Sa­bado sa Mall of Asia Are­na.

Si coach Jamike Jarin ang maglalahad sa pagsabak ng national youth team sa 2014 FIBA-World U17 Championship sa Dubai.

Sina UFL media officer Jing Jamlang at marke­ting officer Coco Torre ang magbabalita para sa ba­gong season ng UFL na mag­bubukas sa Sa­bado.

Show comments