Pacers, Rockets nandito na: Howard, Harden, George nasiyahan sa Pilipinas

MANILA, Philippines - Dumating sa bansa kahapon ang mga ko­ponan ng In­diana Pacers at Houston Rockets para sa NBA Glo­bal Games 2013.

“After 18 hours of fl­ying.. Manila #PacerNation is in the house,” sabi ni Paul George, ang kamador ng Pacers, sa kanyang Twit­ter account ‏na @Paul_George24.

Hindi naitago ng mga NBA players ang pagkamangha sa ganda ng Pilipi­nas.

Ipinoste ni  Ian Mahinmi, ang back up ni Indiana center Roy Hibbert, sa Instagram ang isang larawan mula sa tinutuluyan nilang Sofitel Hotel at naglagay ng caption na: “Philippines baby!”

Nakatakdang magharap ang Pacers at ang Rockets sa isang pre-season game Oktubre 10 sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Makakatuwang nina George at Hibbert para sa Indiana ni coach Frank Vo­gel sina David West, George Hill, Danny Gran­ger at Argentinian star Luis Scola.

Natalo ang Pacers sa Mia­mi Heat sa nakaraang NBA Eastern Conference Finals.

Sina James Harden, Dwight Howard, nanggaling sa Los Angeles Lakers, at Jeremy Lin ang iba­bandera naman ng Houston ni Kevin McHale.

Ito ang ikatlong pagkaka­taon na naging bisita si Har­den sa bansa.

 Nakasama si Harden sa Smart-Ultimate All-Star Weekend na pinangunahan nina Kevin Durant ng Ok­­lahoma City Thunder, Ko­be Bryant ng Los Angeles La­kers, Chris Paul ng Los Angeles Clippers at Derrick Rose ng Chicago Bulls no­ong 2011 na naglaro sa Smart Araneta Coliseum.

Kamakailan ay muling bu­misita si Harden sa bansa

Samantala, magsasa­ga­wa naman ng ilang bas­ket­ball clinics sina da­ting NBA stars Robert Horry, Ron Harper at Jalen Rose.

Show comments