Maraming sorpresa sa laban ng Rockets, Pacers

MANILA, Philippines -  Kabuuang 12 NBA teams ang maglalaro ng 10 regular at pre-season games sa pitong bansa para sa 2013-2014 season.

Ang Pilipinas ay gugu­latin ng Houston Ro­ckets at ng Indiana Pacers sa kanilang pre-season match para sa NBA Global Games Philippines 2013 sa Oktubre 10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

At mula sa Manila ay magtutungo ang Rockets at ang Pacers sa Taipei sa Oktubre 13.

Magtatagpo naman ang Golden State Warriors at ang Los Angeles Lakers sa Beijing at Shanghai, China sa magkahiwalay na NBA Global Games.

Ang laro ng Lakers at ng Warriors ay nakatakda sa Oktubre 15 sa Beijing at sa Oktubre 18 sa Shanghai.

Sina NBA Legends Clyde Drexler, Robert Horry at Jalen Rose ang mangunguna sa Global Games sa Manila at Taipei.

Babanderahan naman nina NBA Greats Muggsy Bogues, Dell Curry (ama ni Golden State Warrior Stephen Curry) at AC Green ang bibisita sa Beijing at Shanghai.

 

Show comments