MANILA, Philippines - Sinimulan na ni dating unified world super bantamÂweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. ang kanyang paghahanda para sa kanilang reÂmatch ni Vic ‘The Raging Bull’ Darchinyan.
Mula sa Undisputed Gym sa San Leandro, California ay lumipat si Donaire sa RG Boxing Academy ni Mexican chief trainer Robert Garcia sa Oxnard, California.
“First time at RGBo-xing Academy. Nice clean gym with great people. Tour over, now training,†wika ng 30-anyos na si Donaire sa kanyang Twitter account na @filipinoflash.
Ito ang unang pagkakataon na magsasanay si Donaire sa RG Boxing Academy ni Garcia sa Oxnard, California.
“He’s going to come to Oxnard. I’m telling you, he’s already prepared and he’s already doing things that I haven’t seen,†ani Garcia kay Donaire. “We still got seven weeks before the fight. It will be much better.â€
Muling lalabanan ni Donaire (31-2-0, 20 KOs) si Vic Darchinyan (39-5-1, 28 KOs) ng Armenia sa rematch sa isang non-title, featherweight fight sa Nobyembre 9 American Bank Center sa Corpus Christi, Texas.
Pinatulog ni Donaire si Darchinyan sa fifth round para agawin sa huli ang mga bitbit nitong International Boxing Federation at International Boxing Organization flyweight titles noong Hulyo ng 2007.