MANILA, Philippines - Isang 16-anyos na wrestÂler na nanalo ng bronÂze medal sa idinaos na South East Asian Junior and Cadet Wrestling Championships sa Thailand noong Mayo ang dumulog sa korte para ireklamo ang Baguio regional coach na si Marie Teresa Asuncion.
Nagsampa si Jerald Bosikaw sa prosecutor’s office ng kasong child abuse, estafa, malversation at graft and corruption laban kay Asuncion matapos ipitin nito ang buwanang allowances na ibinibigay sa batang wrestler ng Philippine Sports Commission (PSC).
Sa sinumpaang salaysay ni Bosikaw na sinegundahan din ng kanyang ina na si Janeth, sinabi nitong P13,200.00 lamang ang nahawakan niyang alloÂwance gayong P84,000.00 ang perang pumasok sa kanyang ATM mula HunÂyo 2012 hanggang Hulyo 2013.
Si Asuncion ang siyang may tangan sa kanyang ATM ngunit sa tuwing nagÂwi-withdraw ang coach ay P1,500.00 lamang ang ibinibigay sa kanya.
May tatlong pagkakaÂtaon din na hindi siya binigyan ng pera ni Asuncion na kumukuha rin ng 30% parte sa mga insentibong ibinibigay ng pamunuan ng Baguio City kapag nanaÂnalo si Bosikaw. Hindi rin lamang si Bosikaw ang dumadanas nito ngunit siya pa lamang ang dumulog sa korte at nagreklamo.
“To make matter worse, she used her moral ascendancy over the athletes under her supervision, who are mostly minors, and threatened to remove them from the Philippine National team if they complain or try to get their ATM from her,†wika ni Janeth sa kanyang salaysay.
Nakarating na kay PSC chairman Ricardo Garcia ang pangyayaring ito at lubusan niyang sinusuportahan ang pagkilos na ito ng pamilyang Bosikaw lalo pa’t hindi nila pinahihintulutan ang pananamantala ng mga coaches o sinuman sa mga atleta.
Bilang isang regional coach na iniluklok ng Wrestling Association of the PhiÂlippines (WAP) na pinamumunuan ni Albert Balde, si Asuncion ay tumatanggap na ng buwanang sahod na P15,000.00
Ang kasong ito ang dagdag sa maanomalÂyang mga regional coaches na itinalaga ng WAP at iniimÂbestigahan ngayon ng PSC.
Naunang nakita ng PSC ang pagkakatalaga ng mga di kuwalipikadong regional coaches ng WAP dahilan upang ipatigil ng komisyon ang pagpapalabas ng pondo.