^

PSN Palaro

Wrestling coach kinasuhan ng child abuse, estafa at iba pa

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 16-anyos na wrest­ler na nanalo ng bron­ze medal sa idinaos na South East Asian Junior and Cadet Wrestling Championships sa Thailand noong Mayo ang dumulog sa korte para ireklamo ang Baguio regional coach na si Marie Teresa Asuncion.

Nagsampa si Jerald Bosikaw sa prosecutor’s office ng kasong child abuse, estafa, malversation at graft and corruption laban kay Asuncion matapos ipitin nito ang buwanang allowances na ibinibigay sa batang wrestler ng Philippine Sports Commission (PSC).

Sa sinumpaang salaysay ni Bosikaw na sinegundahan din ng kanyang ina na si Janeth, sinabi nitong P13,200.00 lamang ang nahawakan niyang allo­wance gayong P84,000.00 ang perang pumasok sa kanyang ATM mula Hun­yo 2012 hanggang Hulyo  2013.

Si  Asuncion ang siyang may tangan sa kanyang ATM ngunit sa tuwing nag­wi-withdraw ang coach ay P1,500.00 lamang ang ibinibigay sa kanya.

May tatlong pagkaka­taon din na hindi siya binigyan ng pera ni Asuncion na kumukuha rin ng 30% parte sa mga insentibong ibinibigay ng pamunuan ng Baguio City kapag nana­nalo si Bosikaw. Hindi rin lamang si Bosikaw ang dumadanas nito ngunit siya pa lamang ang dumulog sa korte at nagreklamo.

“To make matter worse, she used her moral ascendancy over the athletes under her supervision, who are mostly minors, and threatened  to remove  them from the Philippine National team if they complain or try to get their ATM from her,” wika ni Janeth sa kanyang salaysay.

Nakarating na kay PSC chairman Ricardo Garcia ang pangyayaring ito at lubusan niyang sinusuportahan ang pagkilos na ito ng pamilyang Bosikaw lalo pa’t hindi nila pinahihintulutan ang pananamantala ng mga coaches o sinuman sa mga atleta.

Bilang isang regional coach na iniluklok ng Wrestling Association of the Phi­lippines (WAP) na pinamumunuan ni Albert Balde, si Asuncion ay tumatanggap na ng buwanang sahod na P15,000.00

Ang kasong ito ang dagdag sa maanomal­yang mga regional coaches na itinalaga ng WAP at iniim­bestigahan ngayon ng PSC.

Naunang nakita ng PSC ang pagkakatalaga ng mga di kuwalipikadong regional coaches ng WAP dahilan upang ipatigil ng komisyon ang pagpapalabas ng pondo.

ALBERT BALDE

ASUNCION

BAGUIO CITY

BOSIKAW

JANETH

JERALD BOSIKAW

MARIE TERESA ASUNCION

PHILIPPINE NATIONAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with