NU Pep Squad handa na para sa titulo sa cheerdance

MANILA, Philippines - Makikita kung ano ang epekto ng apat na buwang pagsasanay ng National University sa gaganaping UAAP Season 76 cheer dance competition sa Setyembre 15 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

“Handang-handa kami and yes, we are very confident sa tsansa namin,” wika ni NU Pep Squad coach Ghicka Bernabe na pumangatlo sa kompetisyon noong nakaraang taon.

Ang UP na kampeon sa huling tatlong edisyon ang siyang matinding karibal ng NU bukod pa sa FEU na pumangalawa noong 2012.

Tinalo naman na ng NU ang FEU sa idinaos na 2013 National Cheerdance Championship noong Marso para magkaroon ng dagdag kumpiyansa sa magaganap na tagisan.

Panglima na magtatanghal ang NU sa walong kasaping koponan.

Unang magtatanghal ay ang FEU Cheering Squad bago sumunod ang nagdedepensang  FEU Pep Squad.

Ang UE Pep Squad, La Salle Animo Squad ang pangatlo at pang-apat na magtatanghal habang ang UST Salinggawi Dance Troupe, Ateneo Blue Babble Battalion at Adamson Pep Squad ang kukumpleto sa mga magpapalabas.

Show comments