Ibinigay sa Army ang 3-dikit na panalo Gonzaga nagpaulan ng Spikes
STANDINGS W L
Cagayan 4 0
Army 3 0
Smart 3 1
Meralco 3 2
Air Force 1 3
Navy 0 3
PNP 0 3
FEU 0 3
Laro sa Biyernes
(TheArena, San Juan City)
2 p.m. FEU vs Cagayan
4 p.m. Smart vs Air Force
MANILA, Philippines - Hindi uli napigil si Jovelyn Gonzaga para ibigay sa Philippine Army ang madaling 25-14, 25-15, 25-15, panalo sa Philippine National Police sa ShaÂkey’s V-League Season 10 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Puno ng enerhiya na naglaro si Jovelyn Gonzaga matapos maghatid ng 21 puntos mula sa 15 kills, 5 blocks at isang service ace para hiyain ang Lady Patrolers na inilabas ang Thai import na si Sangmuang Patcharee.
May 12 puntos si PatÂcharee sa siyam na kills, 2 blocks at 1 ace pero wala siyang nakatuwang para bumaba ang PNP sa ikatlong sunod na panalo.
Si Mary Jean Balse ay may apat na aces tungo sa 10 puntos habang si Michelle Carolino ay kumaÂmada ng pitong kills at ang Lady Troopers ay nanaig sa lahat ng departamento para isulong sa 3-0 ang karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Wala ring hirap ang pagsungkit ng ikatlong panalo sa limang laro ng Meralco matapos ang 25-21, 25-22, 25-16, straight sets panalo sa Philippine Navy sa ikalawang laro.
Hindi nadepensahan ng Navy Sailors ang 6’3 import ng Power Spikers na si Coco Wang at Fille Cainglet upang manatiling nakakapit ang Meralco sa ikaapat na puwesto sa walong koponang liga na may suporta rin ng Accel at Mikasa sa 3-2 barha.
Sina Wang at Cainglet ay nagsanib sa 28 kills, kapos lamang ng isa sa kabuuan ng spikes na ginawa sa laro ng Navy Sailors na bumaba sa 0-3 baraha.
May 18 puntos si Wang, si Cainglet ay may 13 habang si Maica Morada ay naghatid pa ng 10 puntos para sa nanalong koponan.
- Latest