YOG bukas sa mga Fil-Foreigners pero...
MANILA, Philippines - Ang mahabang panahon para makapaghanda para sa Youth Olympic GaÂmes sa 2014 ay makakatulong para makita at masuri ang mga mahuhusay na atleta na puwedeng isama sa delegasyon.
Sa pagdalo ni NathaÂniel “Tac†Padilla sa PSA Forum kahapon, kanyang ibinulalas na bukas ang koponan sa pagtanggap ng mga Fil-foreigners para mapaganda ang tsansa sa medalyang ginto sa YOG na gagawin sa Nanjing China mula Agosto 16 hanggang 28.
“Yes, if they are avaiÂlable. Kahit naman ang mga nakakalaban natin, may mga ganitong plaÂyers,’ wika ni Padilla, ang itinalagang Chief of Mission sa Asian Youth Games sa Nanjing at nanalo ng dalawang ginto at tatlong pilak.
Pero isang bagay na gusto niyang tiyakin ay daÂpat na taos sa puso ang pagnanais na mga Fil-Foreigners para katawanin ang Pilipinas sa YOG.
“Gusto ko lang sana, kapag maglalaro sila, wala ng hihilingin pa na iba. Unahin nila ang paglalaro sa bayan. If not, we should instead spend our money sa mga Filipino athletes,†dagdag ni Padilla.
Tutulong na lamang si Padilla sa bubuuing deleÂgasyon dahil si POC president Jose Cojuangco Jr. ang siya ng mangangasiwa sa paghahanda ng mapipiÂling manlalaro.
Isang pagpupulong ang nais na ipatawag ni Padilla sa mga NSAs na puwede pang sumali sa mga YOG qualifying tournaments para makita ang kanilang atleta at malaman kung sino ang mga may potensyal na manalo sa Nanjing.
Sina Mia Legaspi ng golf at Pauline Lopez ng taekwondo ang mga naÂnalo ng ginto sa AYG at ito na ang pinakamagandang naitala sa dalawang edisyon. Noong 2009 sa Singapore ay isang pilak at bronze medals lamang ang naihatid ng ipinadalang koponan.
- Latest