^

PSN Palaro

Perpetual Help sososyo sa 2nd spot

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pipilitin ng Perpetual Help na makasosyo sa ika­lawang puwesto sa pag­harap sa Arellano University ngayong alas-4 ng hapon sa second round ng 89th NCAA men’s basketball tour­nament sa The Arena sa San Juan City.

Sa ikalawang laro sa alas-6 ng gabi ay magta­tagpo naman ang Jose Ri­zal University at College of St. Benilde.

Ang Altas ng 73-anyos na si coachAric Del Rosario ang highest scoring team mu­la sa kanilang average na 75.11 points a game sa first round.

Muling aasahan ng Per­petual sina import Nick Omo­rogbe, rookie Juneric Baloria, Harold Arboleda at  Chris Olopre katapat sina Prince Caperal, Jasper Ogo­vida at John Pinto ng Arel­lano.

Nagmula ang Altas sa 90-89 paglusot sa Blazers noong Agosto 26, habang umiskor ang Chiefs ng 67-64 panalo laban sa Heavy Bombers noong Agosto 24.

Muling maglalaro ang Arellano ni mentor Koy Ba­nal nang wala si Fil-Ca­nadian James Forrester, na­patawan ng isang two-game suspension.

Nauna nang tinalo ng Per­petual ang Arellano, 73-66, sa first round noong Hulyo 18.

AGOSTO

ANG ALTAS

ARELLANO

ARELLANO UNIVERSITY

CHRIS OLOPRE

COLLEGE OF ST. BENILDE

DEL ROSARIO

HAROLD ARBOLEDA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
41 minutes ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with