2-dikit na panalo nakataya sa banggaan ng 4-teams sa 1st UNTV Cup

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

2:30 p.m.  Congress-LGU vs PhilHealth

4:00 p.m. DOJ vs Judiciary

5:30 p.m. AFP vs PNP

 

MANILA, Philippines - Rambulan sa ikala­wang sunod na panalo ang  magaganap sa apat na nangungunang kopo­nan sa pagpapatuloy ng 1st UNTV  Cup ngayong hapon sa Ynares Sports Are­na sa Pasig City.

Ang Congress-LGU ay makikipagsukatan sa PhilHealth sa ganap na alas-2:30 habang ang AFP at PNP ay magpapang-abot sa ikatlo at huling laro dakong alas-5:30 ng hapon.

Papagitna sa dalawang eksplosibong tagisan ay ang labanan ng DOJ at Judiciary dakong alas-4 at ang mananalo ay makakatikim ng unang tagumpay sa ligang inorganisa ng Breakthrough and Miles­tones Production International (BMPI) sa pamumuno ni Chairman at CEO Daniel Razon.

Galing ang Congress-LGU mula sa pahirapang 99-95 panalo sa Judiciary habang ang PhilHealth ay umani ng 138-43 pagdurog sa Department of Justice.

Binuksan naman ng PNP ang kampanya sa pamamagitan ng 117-69 pananaig sa Metro Manila Development Authority habang ang AFP ay nangi­babaw sa DOJ, 117-71, na nangyari noong Agosto 3.

 

Show comments