Heavy Bombers, Bulldogs nakabawi

MANILA, Philippines - Umiskor ng panalo ang Jose Rizal University at ang National University para makabangon sa nauna nilang kabiguan sa Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament sa San Beda gym sa Mendiola.

Humugot ang Heavy Bombers ng pinagsamang 25 points mula kina Jaycee Asuncion at Genesis Manuel para talunin ang Trinity University of Asian Stallions, 85-73, sa Group A.

Pinayukod naman ng Bulldogs ang Letran Knights, 78-63, sa Group B tampok ang 25 points ni Reden Celda.

Sa junior play, giniba ang NU Bullpups, 78-55, at kunin ang ikaapat na sunod na panalo. sa Group A.

 

Show comments