^

PSN Palaro

Melindo bigo kay Estrada

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabigo si Filipino mandatory challenger Milan Melindo na maiganti ang kanyang kababayang si Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria pati na ang maagaw kay Juan Francisco Estrada ng Mexico ang mga suot nitong korona.

Natalo si Melindo kay Estrada via unanimous de­cision noong Sabado ng gabi sa Cotai Arena ng The Venetian Hotel sa Macau, China.

Kumolekta ang 23-an­yos na si Estrada (25-2-0, 18 KOs) ng 118-109 points kay Rafael Santos, 117-109 mula kay Takeshi Shimakawa at 118-109 buhat kay Zoltan Enyedi.

Napanatiling hawak ni Estrada ang kanyang mga suot na World Boxing Association at World Boxing Organization flyweight titles.

Ang WBO belt ni Estra­da ay nanggaling kay Viloria na kanyang tinalo noong Abril.

Ginamit ni Estrada ang mas mahaba niyang gala­may para iwanan ng mga suntok si Melindo na kanyang naputukan sa ilalim ng kaliwang mata sa sixth round at nasugatan sa labi sa seventh round.

Nirapido ni Estrada si Melindo sa round 11 na ikinabagsak nito.

Sa iba pang laban, pinatulog ni Genesis “Azukal” Servania (22-0-0, 8 KOs) si dating world title challenger Konosuke Tomiyama (23-6-1, 8 KOs) sa ninth round para mapanatiling suot ang WBO Asia Pacific super bantamweight belt.

Pinabagsak ni bantamweight Dave Peñalosa  (7-0-0, 5 KOs), ang anak ni dating world two-division champion Dodie Boy Peña­losa, si Thai boxer Ngaotawa Sithsaithong (10-11-1, 5 KOs) sa 0:45 sa third round.

ASIA PACIFIC

COTAI ARENA

DAVE PE

DODIE BOY PE

HAWAIIAN PUNCH

JUAN FRANCISCO ESTRADA

KONOSUKE TOMIYAMA

MELINDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with