MANILA, Philippines - Handang-handa na ang lahat para sa pagsulong ng 2013 Batang Pinoy.
Magkakaroon muli ng tatÂlong regional qualiÂfying legs para sa Luzon, VisaÂyas at Mindanao at ang mga mananalo ay aabante sa National Finals na gagawin sa Zamboanga City sa Nobyembre 19-23.
Dadagsa ang partisipasyon ng mga Local GoÂvernment Units matapos magpalabas ng direktiba si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ng pagsuporta sa Batang Pinoy para sa mga atletang may edad 15-anyos.
Ang mga regular sports na lalaruin ay ang arnis, athÂletics, badminton, billiards and snooker, boxing, chess, dancesport, futsal, gymÂnastics (cheerdance), judo, karatedo, lawn tennis, pencak silat, sepak takraw, soft tennis, softball, swimming, taekwondo, table tenÂnis, wrestling, weightlifÂting at volleyball.
Idaragdag sa Luzon leg ang archery, baseball, bowling, cycling, sailing, shooting at wushu.
Ang Mindanao leg ay naÂkatakda sa Agosto 27-31 sa Tagum City, Davao kaÂsunod ang Visayas Leg sa Maasin City, Southern Leyte sa Setyembre 24-28 at ang Luzon Leg sa Iba, ZamÂbales sa Oktubre 15-19.