^

PSN Palaro

Handa na ang 2013 Batang Pinoy

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang lahat para sa pagsulong ng 2013 Batang Pinoy.

Magkakaroon muli ng tat­long regional quali­fying legs para sa Luzon, Visa­yas at Mindanao at ang mga mananalo ay aabante sa National Finals na gagawin sa Zamboanga City sa Nobyembre 19-23.

Dadagsa ang partisipasyon ng mga Local Go­vernment Units matapos magpalabas ng direktiba si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ng pagsuporta sa Batang Pinoy para sa mga atletang may edad 15-anyos.

Ang mga regular sports na lalaruin ay ang arnis, ath­letics, badminton, billiards and snooker, boxing, chess, dancesport, futsal, gym­nastics (cheerdance), judo, karatedo, lawn tennis, pencak silat, sepak takraw, soft tennis, softball, swimming, taekwondo, table ten­nis, wrestling, weightlif­ting at volleyball.

Idaragdag sa Luzon leg ang archery, baseball, bowling, cycling, sailing, shooting at wushu.

Ang Mindanao leg ay na­katakda sa Agosto 27-31 sa Tagum City, Davao ka­sunod ang Visayas Leg sa Maasin City, Southern Leyte sa Setyembre 24-28 at ang Luzon Leg sa Iba, Zam­bales sa Oktubre 15-19.

 

ANG MINDANAO

BATANG PINOY

LOCAL GO

LUZON

LUZON LEG

MAASIN CITY

NATIONAL FINALS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with