Murray tinalo si Djokovic para kunin ang Wimbledon
LONDON -- Isang puntos lamang ang kailangan ni Andy Murray para makamit ang Wimbledon, ang koÂronang hindi lamang niya hinahangad kundi maging ng kanyang bansa.
Matapos ang 77 taon, naÂkamit ng Great Britain ang Wimbledon matapos taÂlunin ng No. 2-ranked na si Murray si top-seeded NoÂvak Djokovic ng Serbia, 6-4, 7-5, 6-4.
Tatlong oras ang kiÂnailangan ni Murray para iguÂpo si Djokovic sa Centre Court.
Binalewala ni Murray ang tatlong break points ni Djokovic, at sa kanyang ikaÂapat na tsansa para maÂkuha ang titulo, isang backhand ang ginawa ni DjoÂÂkovic kung saan napunta ang bola sa net.
Tapos na ang laro.
Tapos na ang paghihinÂtay.
‘’That last game will be the toughest game I’ll play in my career. Ever,’’ sabi ni Murray, ipinanganak sa Dunblane, Scotland at ang unang British man na nagkampeon sa grass-court Grand Slam tournament maÂtapos si Fred Perry noÂong 1936.
‘’Winning Wimbledon - I still can’t believe it. Can’t get my head around that. I can’t believe it,†dagdag pa ng netter.
Ilang seasons nabigo si Murray sa Wimbledon, haÂbang panay naman ang paÂnalo nina Roger Federer, RaÂfael Nadal at Djokovic muÂla sa kinolekta nilang 29 sa 30 Grand Slam titles.
Si Murray ngayon ay isa nang two-time Slam champion matapos ding iguÂpo si Djokovic sa five sets sa U.S. Open noong naÂkaraang Setyembre.
Bago ito, natalo si Murray sa apat na major finals, kasama ang kanyang kaÂbiguan kay Federer sa WimÂbledon noong 2012.
Ngunit binalikan niya si FeÂderer para sa gold medal sa 2012 London Olympics.
‘’You need that self-beÂlief in the important moments and he’s got it now,’’ ani Djokovic, isang six-time major champion, kay Murray.
Ipinagdiwang naman ng British press ang panalo ni Murray.
Sa front page ng Daily Mail ay mababasa ang ‘Now it’ll be arise, Sir Andy’ kaÂtabi ng larawan kung saÂan hinalikan ng 26-anyos na si Murray ang napanalunan niyang gold trophy.
- Latest