Korver, Atlanta nagkasundo na

ATLANTA -- Nagkasundo na ang Atlanta Hawks at si guard-forward Kyle Korver para sa isang multiyear deal.

Maliban sa Atlanta, nakaakit din ng interes si Korver, nag­­lista ng average na 10.9 points per game at ikalawa sa NBA sa pagkonekta ng 3-point shots, mula sa Brooklyn, Milwaukee at San Antonio.

Ang kontrata ni Korver ay hindi makaapekto sa paghahabol ng Atlanta kay free-agent center Dwight Howard para sa isang maximum contract.

Sa Cleveland, nakuha ng Cavaliers ang isa sa front-line free agents ng Lakers.

Naplantsa ang pakikipagkasundo ng Cleveland kay forward Earl Clark, nakasama ni Dwight Howard sa Los Angeles Lakers noong nakaraang season, para sa isang two-year contract. Tatanggap si Clark ng konratang nagkakahalaga ng $9 milyon, habang ang kanyang ikalawang season ay isang team option.

Show comments