Djokovic pasok sa Last 16
LONDON--Dumiretso si Novak Djokovic sa Last 16 sa Wimbledon matapos talunin si Frenchman JeÂremy Chardy, 6-3 6-2 6-2, sa loob ng 86 minuto.
Ito ang pang pitong pagÂkakataon na binigo ni Djokovic si Chardy sa kaÂnilang mga paghaharap.
Nakagawa lamang ang 26-anyos na Serbian netter ng tatlong unforced errors para makasama sa fourth round si Andy Murray.
“It was a fantastic match. I felt great from the start until the end,†sabi ng six-times grand slam champion na si Djokovic na lalabanan si 13th-seeded German veteran Tommy Haas sa kanyang susunod na laro.
Sa women’s division, iginupo ni American SeÂrena Williams, hangad na maduplika ang 17 grand slam titles ni Roger Federer, ang 42-anyos na si Kimiko Date-Krumm, 6-2, 6-0.
Anim lamang sa top 16 women netters ang umabot sa fourth round.
Pinayukod naman ni British teenager Laura Robson si New Zealander Marina Erakovic, 1-6, 7-5, 6-3, para maging unang British woman na nakapasok sa fourth round matapos ang 15 taon.
Susunod na makakaÂlaban ng dating junior champion na si Robson si unseeded Estonian Kaia Kanepi.
- Latest