Marbury maglulunsad ng produkto sa Pinas

MANILA, Philippines -  Dumating na kahapon sa bansa si dating NBA guard Stephon Marbury sa Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) terminal 1 mula sa Malaysia para ipanalisa ang paglulunsad niya ng kanyang shoe at apparel line na Starbury.

Sinabi ni Marbury, naglalaro ngayon para sa Beijing Ducks sa Chinese Basketball Association (CBA), na nasasabik siyang makasalamuha ang kanyang mga Filipino fans.

“I want to say hello to everyone,” sabi ni Murbury na tinulungan ang Beijing Ducks sa pagsikwat sa korona sa nakaraang CBA season.

Apat na beses din siyang napasama sa CBA All-Star Game at hinirang na All-Star Most Valuable Player noong 2010.

Ang pagbisita ni Marbury sa bansa ay angkop sa hangarin niyang mailunsad ang kanyang product line sa bansa sa Disyembre.

Nakikipag-usap din siya sa isang private organization para sa kanyang posibleng donasyon.

Anim na charitable organizations sa China, karamihan dito ay para sa mga batang may sakit na cancer, ang kasalukuyang tinutulungan ni Marbury.

“I hope to impart not just my knowledge in basketball, but also reach out to the community and help out in any way I can,” sabi ni Marbury.

 

Show comments